Wednesday, December 16, 2009
new house...new directions
NEW HOUSE, NEW DIRECTIONS ang sasabihin mo sa taxi Driver pag gusto mong pumunta sa aming BaGONGBaHaYSaBURDUBaI.
And take note...hindi lang kami ang lumipat, kung hindi pati na ang mga ipis sa dating tirahan. Hahahaha! Para sa kaalaman ng mga kaibigang wala na dito sa UAE ngunit patuloy pa rin ang pagsuporta at pagsubaybay sa aming buhay buhay dito, narito ang mga nagsilipat ng tahanan ngayong taong ito.
Ang ever solid na tandem na Mich & Lizl ay lumisan na ng Al Diyafa road (Miracle Building) at ngayon ay nakatira na malapit sa tulay ng Garhoud.
Ang mga ka-bundok na TAK staff sa Al Diyafa road (Miracle Building) ay lumipat ulit sa Bur Dubai (ART 1 & 3). Natira sa Al Diyafa si Lindsay dahil tinakwil na nya ang Bur Dubai.
Si `kuya mario na dating taga Satwa na lumipat sa Karama ay ngayon ay nasa piling na ng Deira.
Ang Deira Boys ay nag-disband at sila ay maninirahan ng kanya kanya sa Deira at Bur Dubai. Si Paolo ay lilipat kay Aimee, Si Jeff ay lilipat kay Red at si Jeck ay lilipat kasama ng Al Wasl peeps...
Kaming Al Wasl peeps ay tatawagin ng Al Raffa peeps, dahil ang aming bagong tahanan ay nasa AL Raffa area, sa likod ng Sea view hotel ng Al Mina Road. Dulo ng Rolla St. at matatanaw mo ang Dubai Customs. Kapitbahay namin ang mga Chinese Hookers and Pimp, Indian small family, the other extended filipino family and other chinese and indian feeling businessmen!
Nawa'y ang kanya kanya naming bagong tahanan ay mapuno ng magagandang alaala at umaatikabong ligaya!
Maligayang Pasko!
Subscribe to:
Posts (Atom)