Wednesday, August 26, 2009

Ang aming paglalakbay sa Austria


Sinimulan namin ang paglalakbay sa Vienna, kung saan kami'y nabusog sa Frankfurter at sa tinadtad na sausage na ang pangalan ay nagsisimula sa letrang K. Maraming mustard, ketchup at horse raddish.










Dinalaw namin ang aming mga ninuno at nagbigay pugay sa aming maharlikang pinagmulan. Eto ang mga palasyo ng aming lolo at lola. Dito sila nagtotong-its at nagchichismisan tuwing summer at winter.





Binaybay namin ang napakalaking hardin. Nakita ang mga maharlikang hayup at mga patong nuknukan ng dami!
















Totoong the Hills are alive sa pelikulang nagpasikat sa Salzburg - ang Sound of Music! Pero syempre hindi lang sila sikat dahil dito.




Bukod kay Captain Von Trapp, si Mozart din ay isa sa kilalang residente ng Salzburg. Meron rin syang sariling tsokolate.

Kailangan marunong kang bumasa ng mapa, kung hindi...ayan mawawala ka!













Eto ang Linz, isa sa mga malalaking bayan ng Upper Austria. Dito namin hinintay ang mga celebrity na dinayo pa namin mula sa Disyerto.







Babala sa pagsakay ng peris wil sa ibang bansa, Alamin kung paano sabihin ang STOP or HELP!

Friday, August 7, 2009