
January 22 (Thursday) 7pm (Call time; as usual dahil Kabayan time ibig sabihin LATE lahat; including me). Ang okasyon...ang ala Debut na birthday celebration ni Binibining Lindsay Fuenzalida.
Bago ang lahat nagpapasalamat pala ang ating nahuling Debutante sa kanyang caterer, ang SALT & PEPPER. Nagpapasalamat din sya sa Emirates Group dahil binigyan ng trabaho ang ating mga kaibigang crew, at sya nam
ang pumayag na ganapin duon ang ating munting salo-salo.
Kahit hindi kumpleto ang buong repapeeps, dahil sila ay may mga "ka-chorva" ng gabing yun ay naging masaya naman at katawa-tawa ang naging selebrasyon.
salamat sa Goldilocks at sa half roll na mocha cake. Na bago kinain ay tinuhugan ng mahigit 20 maliliit na kandila. Pagkatapos kantahan ng isang HAPPY BIRTHDAY ay hinipan ito ng sabay sabay ng Debutante. Nagpalakpakan ang lahat at inupakan na ng unti unti ang mga pagkain. Ng umabot na upang hiwain ang cake, biglang naisip ng Debutante na hatiin ito into 13 equal parts para maka-kain ang lahat. (hiniwa ng pa-vertical at pa-horizontal) Ganito ang mga reaksyon ng mga tao:
1. Ano yang hiwa na yan pang keso?
2. Hindi, pang - Hamon!
Ang bawat bisita ay nagpa-picture with the Debutante. (para sa pictures...tanungin si Say). Lahat ng GURLLLSSSS ay nagbigay ng kanilang taos pusong wishes. Ang mga BOYS naman ay walang kabuhay-buhay na isinayaw ang may birthday.
Isang malaking larawang nagpapakita ng maputing KILI-KILI at maliliit na binti ang aming munting REGALO sa aming munti at nahuling Debutanteng si SAY.
HAPPY HAPPY BIRTHDAY! hanggang sa susunod na Birthday!
